Suportado ni Marawi Bishop Edwin dela Peña ang planong pagpapalawig sa Martial Law ngunit hindi sa buong Mindanao.
Sa isang pinayam, sinabi ni dela Peña na maliwanag na kailangan pa ang Martial Law ngunit sa iilan lamang na lugar at hindi sa buong rehiyon.
Anya, ang pagpapalawig ng batas militar ay dapat gawin sa mga lugar na nananatili ang kaguluhan.
Iginiit din ng Obispo na maaari pang makatulong sa rehabilitasyon ng Marawi City ang pagpapalawig sa batas militar sa ilang lugar.
Idinagdag pa ni dela Peña na bagama’t nasira ang Simbahan ng Marawi, ay hindi nila uunahin ang rekonstruksyon nito.
Mas nakasentro anya sila sa muling pagbubuo sa komunidad ng mga Kristiyano sa siyudad.
MOST READ
LATEST STORIES