Ani Pimentel, handa ang Senadong maging tulay para sa pag-uusap sa pagitan ng pamahalaan at ng komunistang grupo. Aniya, para sa kanya, hindi dapat tuluyang itigil ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng dalawa.
Bagaman ito ang naging pahayag ni Pimentel ay sinabi naman niya na niintindihan niya kung bakit tinigil na ng pangulo ang peace talks sa grupo.
Aniya, nagalit si Duterte dahil sa patuloy na pag-atake ng NPA sa mga tropa ng pamahalaan sa mga lalawigan, na nagreresulta sa pagkamatay ng mga miyembro ng militar at pulisya.
Hindi rin sangayon si Pimentel sa pagtawag ng mga kritiko ng pangulo na tila isang diktador ito sa pagtigil ng usaping pangkapayapaan.
Aniya, may basehan ang naging disiyon ng pangulo.