Ani Dayalyn Tingaran na may-ari ng Senator Ninoy Aquino College Foundation, bagaman sila ay pribadong mga paaralan ay biktima rin sila ng kaguluhan na naganap sa pagitan ng tropa ng gobyerno ay ISIS-inspired Maute terror group.
Bukod sa naturang paaralan ay nasa 16 pang mga private schools ang nawasak.
Anila, nais rin nilang makatulong sa mga kabataan sa pamamagitan ng pagtuturo dito para hindi na sila pa matukso ng terrorism ideologies.
Samantala, bukas, araw ng Lunes magsisimula ang post-conflict assessment ng pamahalaan sa lungsod para malaman kung anu-anong mga gusali ang kailangang buuin sa loob ng ground zero.
Habang target naman na bago matapos ang Disyembre ay makalipat na sa temporary shelters ang 500 pamilyang bakwit.