Ang naturang mga sigarilyo ay pagmamay-ari ng Mighty Corporation na nakumpiska ng mga awtoridad sa mga warehouse at retail outlets sa Davao City, General Santos City, Tacloban City, Zamboanga at Cebu.
Pamumunuan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagsusunog sa kontrabando sa presensya nina Finance Secretary Carlos Dominguez III at ilan pang matataas na opisyal kasama ang mga anti-smoking advocates.
Nauna na ngang ibinenta ng mga mag-ari ng Mighty Corporation ang negosyo sa Japan Tobacco Inc. matapos pagbayarin ng gobyerno ng bilyun-bilyong tax deficiency.
Samantala, wala pa namang iskedyul ang pagsira at pagsunog sa mga sigarilyong nakumpiska rin dahil sa pekeng strip stamps sa mga warehouse sa Luzon.