Kinilala ang namatay na biktimang si Philip Panelo, habang ang mga sugatan naman ay sina PO2 Clemencio Santos at isang pang lalaking hindi pa nakikilala.
Ayon kay Navotas City Police Operations Chief Police Senior Inspector Anthony Mondejar, lumabas sa kanilang imbestigasyon na humingi ng tulong si Panelo kay Santos dahil sa gulong nangyari sa karinderyang pag-aari ni Panelo.
Kasabay ng pagdating ni Santos ay dumating rin ang tatlong mga nakamotorsiklong kalalakihan na pinagbabaril si Panelo at nadamay lamang si Santos at ang isang tambay sa lugar.
Kasalukuyang inoobserbahan sa ospital ang dalawang nadamay na biktima.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pamamaril.