Ayon sa tagapagsalita at abogado ni Sereno na si Joshua Santiago, ito ang kanilang magiging “last recourse” kapag nagawa na nila ang lahat ng posibleng hakbang kaugnay nito.
Aniya, kapag hindi na nakabatay sa batas ang mga hakbang ng komite, idudulog na nila ito sa Korte Suprema.
Ayon sa kampo ni Sereno, kapag nangyari ito, kukwestyunin nila ang alegasyon ng paglabag sa “fundamental” at “elementary” rights to counsel.
Sinabi ni Santiago na nakabatay ang kanilang susunod na hakbang sa mga mangyayari sa susunod na linggo.
Nakatakda ang susunod na pagdinig ng House justice committee sa impeachment case laban kay Sereno sa Lunes.