Pampasaherong jeep, nasunog sa QC

 

Kuha ni Rod Lagusad

Nasunog ang isang pampasaherong jeep sa kanto ng Anonas Extension at V. Luna Ave., sa Quezon City.

Ayon sa driver na si Dante Makinag, bago nagliyab ang kanyang jeep, napansin niyang umuusok ang kaliwang bahagi ng kanyang sasakyan.

Halos wala nang natira sa jeep, maliban na lang sa kaha nito.

Tumagal lamang ng ilang minute ang sunog at kaagad ring naapula ang apoy.

Wala namang naitalang nasaktan sa insidente, dahil nakababa rin kaagad ang mga pasahero ng jeep.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga arson investigators ng Bureau of Fire Protection upang malaman ang sanhi ng sunog.

 

 

 

Read more...