Pag-inom ng antibiotic nang walang reseta, posibleng magdulot ng antibiotic resistance – DOH

Pinag-iingat ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang publiko sa pag-inom ng antibiotic nang walang reseta ng doktor.

Sa isang panayam, nagbabala si Duque na posibleng magdulot ng antibiotic resistance (AMR) ang pag-inom ng antiobiotic nang basta-basta.

Paliwanag ng kalihim, natututo ang mga mikrobyo sa katawan ng tao na labanan ang gamot. Kalaunan, mawawalan ng epekto ang antibiotic sa susunod na pag-inom nito.

Dagdag ni Duque, sundin ang tamang reseta ng doktor. Aniya, gumagawa rin ng hakbang ang DOH para isulong ang National Antibiotic Guidelines.

Kaugnay nito, sinabi ni Duque na kinakailangang siguraduhin ng gobyerno, lalo na ang mga kagawarang pangkalusugan ng
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na hindi basta-basta na ginagamit ang antibiotic.

Sa ginanap na ASEAN Summit sa bansa noong nakaraang linggo, nilagdaan ng mga kasaping bansa ang isang deklarasyon ng paglaban sa AMR.

Read more...