Nagbunga ng panic sa mga mamamayan sa Oxford Street sa London ang ilang mga ulat na may nagaganap na shooting incidents sa lugar.
Tumagal ang pagkabahala ng mga tao ng mahigit isang oras na agad na nirespondehan ng mga awtoridad.
Ayon sa London Metropolitan Police, isinagawa agad na idineploy ang mga awtoridad upang alamin kung ang insidente ay isang uri ng terorismo.
Gayunpaman, sa pagsisiyasat ng pulisya sa lugar, walang natagpuang ebidensya ng pagpapaputok ng baril, maging mga sugatan o kahit sinumang suspek kaugnay ng sinasabing pamamaril.
Nagtakbuhan ang mga tao sa iba’t ibang direksyon bunga ng takot.
Ayon sa mga awtoridad nakatanggap sila ng isang ulat ng isang babaeng nagtamo ng sugat dahil sa panic.
Kilala ang Oxford Street bilang puntahan ng mga Christmas shoppers at dahil na rin sa makukulay at naggagandahang ‘overhead lights’.
Samantala ang ang ‘Transport for London’ na pangunahing transport operator ng siyudad na isinara dahil sa insidente ay agad namang binuksan matapos ang clearing operations ng pulisya.