Ayon kay SPO1 Zandro Quijote, imbestigador sa kaso, nagkasundo na noong Huwebes ang pamilya ng binatilyo na si John Mark Navaro at ang driver ng truck na si Tedy Gotis na huwag ituloy ang kaso.
Nakausap daw ng ina ng biktima ang mga representative sa pinapasukang kumpanya ni Gotis at dito napagkasunduan na magkaroon na lamang ng amicable settlement.
Mahigit P200,000 ang hinihingi ng pamilya ni John Mark na sya namang papasanin na ng kumpanya ni Gotis.
Sa ngayon, nakauwi na sa kanyang bahay si Gotis sa Sta Rosa Brgy. Caingin Sta Rosa Laguna at nagpapahinga muna.
Matatandaan na madaling araw ng Huwebes, bibili lang sana ng sigarilyo ang motorcyle rider nang bigla itong sumalpok at masagsaan ang ulo ng oil tanker truck sa National Road, Brgy. Putatan.
Base sa salaysay mga saksi, mabilis daw ang pagpapatakbo nito at naka inompa ito ng alak.
Samantala, bumuhos naman sa social media ang emosyon sa sinapit ng driver mg truck.
May mga ilan na nais magpatid ng tulong at meron din namang iba na gusto magbago ang sistema ng law enforcement sa bansa.
Ang video naman na in-upload ng Radyo Inquirer ay mayroon ng 2.6 Million views at 48K shares.