Pag-bansag ni Joma Sison na “terorista” kay Duterte, hindi na pinatulan ng Palasyo

Naniniwala si Presidential Spokesperson Harry Roque na ang lahat ng tao ay may karapatang ilabas ang kani-kanilang sariling opinyon.

“Everyone is entitled to his or her own opinion,” ani Roque sa isang pahayag.

Ito ang naging tugon ng Malacañang sa pahayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Ma. Sison, kung saan tinawag niyang “No. 1 terrorist” si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ito ni Sison dahil sa aniya’y malaking bilang ng mga napatay dahil sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Una nang iginiit ni Roque na kaya winakasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipag-usap ng pamahalaan sa National Democratic Front of the Philippine (NDFP) ay dahil sa kawalan ng sinseridad ng kanilang mga miyembro.

Patuloy pa rin aniya kasing nagsasagawa ng karahasan ang mga ito kahit na umiiral noon ang peace negotiations.

Read more...