Duterte, magbibitiw sa pwesto kung hindi masasawata ang ilegal na droga

PCO File Photo

Ikinukunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw sa pwesto kung hindi niya tuluyang masawata ang iligal na droga sa bansa.

Ipinahayag ito ni Duterte sa kanyang talumpati sa harap ng scout rangers sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan.

Aniya, kung hindi niya kakayaning makontrol ang iligal na droga, aalis siya sa pwesto. Dagdag ni Duterte, kukwestyunin niya ang sarili kung bakit nasa posisyon pa rin siya kung mangyayari ito.

“Kung hindi koi to kaya, aalis ako!” ayon sa pangulo.

Samantala, sinabi ng Pangulo na kinakailangan muna niyang lumagda ng isang executive order para maibalik sa Philippine National Police ang kapangyarihan sa giyera kontra iligal na droga.

Gayunman, ayon kay Duterte, desidido pa rin siyang pabalikin ang pulisya sa war on drugs.

Sa ngayon, Philippine Drug Enforcement Agency pa rin ang nangunguna sa anti-drugs operations.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...