Xander Ford, nawawala

Kinumpirma ng Star Image Artist Management ang talent company na humahawak sa career ni Xander Ford na nawawala ang dating miyembro ng Hasht5.

Sa statement sa Facebook page, sinabi ng Star Image Artist Management na ginagawa na nila ang lahat ng legal na hakbang para mahanap si Xander.

Nagbanta rin ang Star Image na kakasuhan ang sinumang responsable sa pagkawala ni Xander at sinabing desidido ang pamilya nito na magsama ng reklamo.

Dahil sa pagkawala ni Xander, dalawang show na nito ang nakansela kabilang ang kaniyang appearance sana sa Higantes Festival sa Angono noong Nov. 23 at sa Sta. Cruz Laguna ngayong araw, Nov. 24.

Huling public appearance ni Xander ay sa Sultan Kudarat noong Nov. 21 kung saan dumalo siya sa Kalimudan Festival.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...