8 sa bawat 10 millennials kuntento sa leadership style ni Duterte ayon sa online survey

Walo sa bawat sampung millennials ang kuntento sa istilo ng pamumuno sa bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang lumitaw sa online survey ng Publicus Asia Inc. na “Pahayag”.

Sa nasabing survey, lumabas na 82 percent ng millennials o mga nasa edad 18 hanggang 36 ay aprubado at kuntento ang performance ni Pangulong Duterte sa unang dalawang taon niya bilang pangulo ng bansa.

Sa nasabing survey, pinakamataas ang nakuhang approval rating ni Pangulong Duterte sa Mindanao na umabot sa 94 percent.

Isinagawa ang survey mula Nov. 5 hanggang 12 gamit ang non-probability sampling method sa 1,200 respondents.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...