Ang tawag sa kanila sa social media ay ang Amerikano, ang Suplado, at ang Negro. O huwag magalit agad sa salita ko dahil ako mismo ay negro ha. Pero yan ang popular na tawag sa tatlo ngayon.
Opposition Candidate
Ang Negro ang naunang nagsabi na gusto niyang maging president. Iaangat daw niya ang buhay ng Pilipino at gagawin niya ang Pilipinas tulad ng ginawa niya sa Makati City. Pararangyain niya daw lahat ng lugar sa bansa at bibigyan ang lahat ng benepisyong tutulong sa kanila tulad ng ginawa niya sa Makati.
Sa pangharap ay napakaganda at napakahusay nga naman pakinggan. At kung titgnan mo superficially (o sa ibabaw lamang) aba eh gusto mong siya ang pangulo dahil sa Makati ang mga residente ay may libreng ospital, eduksayon, sine at cake tuwing birthday mo.
Pero sa ginagawang imbestigasyon ng isang grupo pa ng tatlong payaso sa Senado, mukhang may milagro ang Negro at yumaman pa ng husto habang sila ang hari ng Makati. Parang mas malaki ang pakinabang nila kaysa sa taumbayan na pinagsisilbihan nila.
Teka, hindi ko sinasabi na hindi ko gusto ang magagandang programa ng Negro sa Makati ha. Ang sa akin lang ay ang tanong – tama ba na yumaman ka sa kaban ng bayan dahgil nagsilbi ka naman ng mahusay sa kanila?
Sana sagutin na lang niya ng deretso ang lahat ng katanungan sa kanya at kung maayos naman ang dahilan ay baka maniwala pa tayo sa kanya. Baka.
Administration Candidate
Ang sumunod na kandidato ay ang binasbasan ng makapangyarihang Malakanyang, ang Suplado. Ipagpapatuloy daw niya ang Tuwid na Daan ng residente ng palasyo sa tabing ilog.
Sa aking pagsaliksik, nalaman ko na mahusay na administrador at negosyante ang Suplado. Galing ng Wharton School of Business at tagapagmana ng lahi ng mga politico sa bansa kabilang ang isang dating pangulo, mahusay ang kanyang business sense at magaling siya pagpalakad ng organisasyon.
Kaya lang, medyo trying hard at sobrang suplado nga. Kapag lumalabas sa publ;iko ay kung ano-anong gimik ang ginagawa tulad ng pagtatrapik, magbubuhat ng sako ng bigas, magmamartilyo ng upuan o kaya ay mag-ti-titser. Kaya lang, unang-una ay hindi syut sa normal daghil hindi naman niya ito normal. Isa pa, wala namang naniniwala na nagpunas siya ng sarili niyang sipon nung bata pa siya kaya sobrang fake ang dating niya. Tapos pag tinanong mo o kinontra siya, magagalit at magsusuplado, kung suwerte ka lalayasan ka lang, pag minalas ka sisindakin ka pa.
Sana gumalaw na lang siya ng tunay na pagkatao niya. Isa siyang mayaman, lumaking mayaman at tunay na mayaman. Mahusay naman siyang mamuno sa katotohanan lang At yun ang pinakamalakas na bentahe niya dahil dating kaklase o kaibigan niya sa Wharton ang mga pinuno ng bansa at negosyo na kakailanganing kausapin niya kung siya ang mamumuno sa ating bansa.
Independent Candidate
Ang ikatlo ay ang Amerikana. 20-point platform agenda ang inilatag niya sa mga Pilipinong inaawitan niya ng boto. Lahat nung 20-poiunts na yun eh yung mga gusting marinig ng bawat Pilipino dahil sa loob ng ilampung taon ay yun ang isinisigaw ng mga aktibista sa lansangan at mga komentarista sa radio at telebisyon at mga kolumnista sa dyaryo.
Again, napakaganda pakinggan at bakit naman hindi. Sino ba naman ang ayaw na mas mura ang kuryente sa bansa, o mas mataas ang suweldo, o libre ang ospital at gamot, o walang trapik, o lahat ng pulitiko ay honest, o walang krimen. Anak pa siya ni FPJ na dinaya daw noong 2004.
Pero madali mangako. At lahat ng sinabi niya, bawat pangako sa bawat bilang na binggit niya ay sinabi, ipinangako at kinalimutan na din ng ilang libong politikong nauna sa kanya. Lahat ng nakaraang president, pati yung nakaupo ngayon ipinangako na lahat yang 20 utos nay an. Ano ang ipinagkaiba niya? Saan siya lumihis ng landas sa mga nauna sa kanya.
Kung sana , sa bawat punto na binanggit niya ay sinabi din niya kung papaano niya matutupad ang pangakong iyon baka nagkaroon pa ng saysay ang pagiging makabagong pinuno niya, na siyang nais nilang ipakita sa taumbayan. Pero, hindi. Tulad ng tradisyonal na politikong inaaway nila, yun din ang ginagawa niya.