Ang NPC ang ikalawa sa pinakamalaking political group sa bansa.
Sa isinagawang mass oath-taking sa mga bagong miyembro ng NPC, sinabi ni NPC chairman at dating Isabela Governor Faustino Dy III na patuloy pa rin ang ginagawa nilang konsultasyon at pag-uusap. “Titingnan natin at pag aaralan ng partido ang posisyon. Sa ngayon ay wala pa tayong posisyon sa kung sino ang susuportahan,” ayon kay Dy.
Isa sa mga nanumpa bilang bagong kasapi ng koalisyon si Camarines Sur Representative Rolando Andaya, na kilalang aalyado ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, was among those who took their oath as new members of the party.
Dumalo din sa pagtitipon si Caloocan Representative Recom Echiverri, na miyembro ng Liberal Party.
Sa nasabing event, hinikayat ni Dy ang mga kasapi ng koalisyon na suportahan ang anumang magiging pasya ng executive committee ng partido sa kung sino ang susuportahang kandidato.
Pero tila nagpahiwatig na si Dy, dahil nang siya ay magtanong sa mga dumalo sa pagtitipon ay sinabi nitong, ‘opo,opo, opo Chiz, ang dapat na laging sagot. “Maliwanag ba yun? Gusto nyo ba yun? Opo ang sagot dun, opo, opo lagi. “Opo Chiz,” ayon kay Dy.