Isa na namang tren ng MRT, nakitaan ng problema sa coupler

PHOTO CREDIT: IVAN CABCALLERO VILLEGAS

Bago pa muling makabiyahe, nakitaan ng problema sa coupler ang isang tren ng Metro Rail Transit (MRT).

Ang coupler ang nagsisilbing connector at nagdudugtong sa mga bagon ng tren.

Biyernes ng tanghali, isa namang bumibiyaheng tren ang nakitaan ng problema sa coupler

Nabatid na nagkaroon ng gap sa coupler ng dalawang bagon nang ito ay inspeksiyuin bago muling bumiyahe sa Taft Avenue station.

Ayon sa communication team ng Department of Transportation (DOTr), posibleng nagkaroon muli ng pagkalas ng bagon kung hindi nadiskubre ang problema.

Magugunita na kamakailan lang isang bagon ang kumalas sa mismong train set sa pagitan ng Ayala at Buendia stations dahil din sa isyu sa coupler.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...