Isa si Pangulong Duterte sa mga ninong ni Isabella nang ito ay binyagan sa National Shrine of St. Michael and the Archangels sa Maynila.
Matapos ang binyag, ginanap ang reception sa Presidential Security Group Compound sa Malakanyang.
Nagpaliwanag naman si Mariel sa pagpapabinyag nila kay Isabella sa Simbahang Katoliko gayong hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang pagiging Islam ni Robin.
Sa kaniyang post sa Instagram, sinabi ni Mariel na nananatili siyang Katoliko.
Sumailalim na rin naman aniya sa “Aqiqah” si Isabella, na pamamaraan ng pagbibinyag sa Islam.
Sa sandaling lumaki na anak, malaya aniya itong pumili kung anong relihiyon ang kaniyang nais.
Sinabi ni Mariel na bilang magulang, tungkulin nilang ituro sa anak ang pagrespeto sa lahat ng relihiyon.