FDA nagbabala sa publiko sa pagkalat ng pekeng shampoo

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) kaugnay sa pagkalat ng pekeng bersyon ng dalawang tanyag na brand ng shampoo.

Sa abiso ng FDA, binalaan nito ang publiko sa pekeng bersyon ng Dove shampoo at Tresemme shampoo.

Sa pakikipag-ugnayan sa Unilever Philippines Inc., napatunayang may kumakalat at ibinebentang peke na Dove Nutritive Solutions Oxygen and Nourishment Shampoo at Tresemme Smooth and Shine Shampoo.

Dahil dito, pinayuhan ang publiko na maging mapagmatyag sa pagbili ng nasabing produkto para matiyak na hindi peke ang kanilang mabibili.

Ayon sa FDA ang mga counterfeit na produkto ay hindi dumaan sa pagsusuri ng ahensya kaya hindi tiyak na ligtas gamitin.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...