P1-M pabuya ibibigay sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga suspek sa pagpatay kay Enzo Pastor

pastor slay suspectsNag-alok ng P1-milyong pabuya ang magulang ng pinaslang na car racing champion na si Enzo Pastor para sa ikadarakip ng mga itinuturong utak ng pagpaslang sa kanilang anak.

Ayon kay Tom Pastor, tatay ni Enzo tig P500,000 ang pabuyang ibibigay sa makapagtuturo upang maaresto ang dating asawa ng nasawing car racer na si Dahlia Pastor at sa boyfriend nito na si Domingo De Guzman alias Sandy.

Sinabi ng nakatatandang Pastor na maaring ipagbigay alam sa Quezon City Police, Philippine National Police o anumang himpilan ng pulisya ang kinaroroonan ng dalawa.

Maari ding magtext sa cellphone number ni Tom Pastor na 09285044931.

Sina Dahlia Pastor at De Guzman ay kasalukuyan pa ring nagtatago matapos ipagharap ng kasong murder ng Department of justice (DOJ) sa Quezon City Regional Trial Court na naglabas ng warrant of arrest laban sa kanila.

Si Enzo ay binaril ng naarestong gunman na si PO2 Edgar Angel noong Hunyo ng nakalipas na taon sa Congressional Ave, Quezon City.

Read more...