Palengke at mga bahay sa Davao City, nasunog

FB Photo | Lowel Delgado Sandoval

Tinupok ng apoy ang isang public market sa Barangay Sasa sa Davao City.

Nagsimula ang sunog alas 10:00 ng umaga ng Biyernes at sa isang residential area nagmula ang apoy hanggang sa madamay na ang palengke.

Sa larawan na kuha ng ilang netizens kitang-kita ang malaking usok mula sa nasusunog na palengke.

Sa laki ng sunog damay na rin ang maraming bahay sa lugar na pawang gawa sa light materials.

Umabot din sa general alarm ang sunog.

Inaalam pa ng Davao City Fire Bureau kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang natupok.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...