WATCH: Suspek sa pagnanakaw ng mga cellphone ng rent-a-car drivers, arestado sa Cubao, City

Kuha ni Justinne Punsalang

Hindi na nagawa pang tumanggi ng isang babae matapos itong arestuhin ng mga otoridad dahil sa pagnanakaw ng mga cellphone ng mga TNVS drivers.

Kinilala ang suspek na si Amy Gonzales na nagpapanggap rin na si Cheska Wakeling.

Modus ni Gonzales na magkunwaring naiwan ang kanyang cellphone para mahiram at kalaunan ay matangay ang cellphone ng driver.

Kwento ng isa sa mga biktima na si Angelyn Diaz-Ong, nirentahan ni Gonzales ang kanyang sasakyan pero bago tumuloy sa destinasyon ay nagpasama si Gonzales kay Ong na bumili ng gamot.

Narito ang report ni Justinne Punsalang:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...