Kumambyo man, naghihilom na sugat ng mga kaanak ng SAF-44, muling binuksan ng pangulo ayon kay Atty. Aguirre

GOING HOME/ JAN 31,2015 the three childen of PO3 Kibete and relative carries his  picture outside the multi purpose hall of Camp Bagong Diwa.  Members of Special Action force and Police personels salutes while the vehicle carrying the body of P03 junrel Kibete is on the way out of the Camp . the family of PO3 kabete will bring him to his hometown  in Bulacan.  Kibete is one of the 44 SAF members killed in Mamasapano in maguindanao. INQUIRER PHOTO/JOAN BONDOC
INQUIRER FILE PHOTO/JOAN BONDOC

Lalo lang pinasakit ni Pangulong Benigno Aquino III ang damdamin ng pamilya ng mga nasawing tauhan ng Special Action Force (SAF) sa ginawa nitong pagbuhay sa isyu.

Ito ang sinabi sa Radyo Inquirer ni Atty. Vitaliano Aguirre, abogado ni dating SAF Chief Getulio Napeñas.

Ayon kay Aguirre, pahilom na sana ang sugat at sakit na nararamdaman ng kaanak ng mga nasawing SAF44 nang bigla na namang buhayin ni PNoy ang usapin na tila nagduda pa kung SAF nga ang nakapatay kay Marwan.

Sa isang nationwide broadcast ay sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III na walang dahilan para pagdudahan pa ang kuwento na ang SAF nga ang nakapatay sa Malaysian terrorist na si Zulkifli bin Hir alias Marwan. Ang pahayag ay ginawa ng pangulo matapos magmula din sa kanya ang pahayag na may “alternative version” sa kung ano talaga ang nagyari sa madugong Mamasapano operation.

Masyado aniyang premature ang ginawa ni PNoy nang palutangin nito ang umanoy ‘alternative version’ sa Mamasapano incident na kalaunan ay babawiin din pala niya at sasabihing walang basehan ang ibang bersyon. “‘yun nga po ang kataka-taka doon, siya mismo ang nag-open ng alternative version tapos siya din ang nagsabi na hindi pala totoo! Premature ang announcement niya, coming from a President pa, dapat hindi siya nag-announce noong nakaraang linggo,” ayon kay Aguirre.

Sinabi ni Aguirre na larawan lang naman pala ang kailangan ng Pangulong Aquino para makumbinse siyang SAF talaga ang nakakuha ng daliri ni Marwan, bakit kailangan pa nitong patagalin ng ilang buwan, makalipas ang mga isinagawang imbestigasyon.

Ayon kay Aguirre, noon pa nila sinasabi sa pamahalaan na may kopya sila ng lahat ng larawan noong kinuha ng SAF ang daliri ni Marwan.

Sa kabila ng mistulang pagtuldok na ng Pangulong Aquino sa isyu ng alternative version sa Mamasapano encounter, sinabi ni Aguirre na kinakailangan pa ring masagot kung bakit hindi nabigyan ng reinforcement ang SAF noong kasagsagan ng bakbakan.

Read more...