Mag-asawa, patay sa pamamaril sa North Caloocan

Kapwa nasawi ang mag-asawa matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Bagong Silang sa Caloocan City.

Kinilala ang mag-asawa na sina Mayet at Justine Bagay.

Si Mayet ay driver-body guard ni Caloocan First District Representative Dale “Along” Malapitan, habang nagtatrabaho naman sa Botika ng Bayan ang asawa nitong si Justine.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, bandang alas 7:00 ng umaga nang mangyari ang insidente.

Pauwi na galing sa pamamalengke ang mag-asawang Bagay nang pagdating nila malapit sa Tala Cemetery ay nilapitan sila ng dalawang riding in tandem.

Kapwa sa ulo ang tama ng mag-asawa na dahilan ng kanilang pagkamatay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang motibo sa pamamaslang.

 

 

Read more...