Ipinagdiriwang ngayong araw ang ika-isangdaan at dalawampu’t limang anibersaryo ng pagkakatatag ng Philippine National Railways (PNR).
Sa Tutuban station ng PNR sa Maynila, nagkaroon ng aktibidad para sa anibersaryo ng PNR na dinaluhan ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade, PNR Board of Director, Chairman Roberto Lastimoso, PNR General Manager Junn Magno at iba pang ospisyal.
Bahagi ng pagdiriwang ang pagpapatunog sa lumang bell ng tren bilang pag-alala sa sinaunang tren ng PNR na gumagamit ng bell.
Pinagkalooban din ng ‘comrade awards’ ang ilang opisyal ng pamahalaan at pribadong indibidwal bilang bahagi ng selebrasyon.
Sa kaniyang talumpati, hiniling ni Tugade sa PNR na madaliin ang mga rail projects ng ahensya para mas mabilis na mapakinabangan ng mga pasahero.