P600-K na halaga ng shabu, nakumpiska ng PDEA sa Naga

 

Nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P600,000 na halaga ng shabu sa ikinasa nilang buy-bust operation sa Naga City.

Ayon kay PDEA Camarines Sur provincial officer Agent Vidal Bacolod, may bigat na nasa 100 gramo ang nakumpiskang shabu na ibinenta nina Marilex Arbuis at Cesar Galiza sa kanilang undercover agent.

Naganap ang matagumpay na buy-bust operation laban sa mga suspek malapit sa bagong bus terminal sa central business district ng Naga City.

Ayon pa kay Bacolod, ilang test buys muna ang kanilang isinagawa bago nila ikinasa ang operasyon.

Agad na nasukol ang dalawang suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa agent ng PDEA.

Sa ngayon ay nasa ilalim na sila ng kustodiya ng PDEA habang inihahanda ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa ito.

Read more...