Aguirre, pagpapaliwanagin ni Pimentel sa pagkakabasura ng kaso laban kay Faeldon

 

Dismayado si Senate President Koko Pimentel sa pakaka-absuwelto ng DOJ sa kasong isinampa ng PDEA ni dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon at sa ilang opisyal ng BOC kaugnay sa pagkakapuslit ng P6.4 bilyon pisong shabu shipment.

Sa panayam, inamin ni Pimentel na dismayado ito sa desisyon ng DOJ dahil kitang-kita aniya sa takbo ng pagdinig sa Senado na may kapabayaan kung kayat nakalusot ang kontrabando sa Customs.

Nagtataka si Pimentel dahil halos lahat naabsuwelto ng DOJ kung saan umaabot sa 600 kilos ng shabu ang nakalusot sa Customs na nakumpiska sa warehouse sa Valenzuela.

Giit ng senador, imposibleng walang kahit isang opisyal ang sangkot sa pagpapalusot ng nabanggit na ilegal na droga.

Read more...