Dalawang may kalakasang lindol ang naramdaman sa lalawigan ng Quezon, Huwebes ng gabi at Byernes ng madaling-araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, unang tumama ang magnitude 4.3 na lindol dakong alas 8:02 ng gabi, Huwebes.
Naitala ang episentro ng pagyanig sa layong tatlong kilometro sa kanluran ng Calauag, Quezon.
Naramdaman ang intensity 5 na paggalaw ng lupa sa mga bayan ng Calauag at Guinayangan, Quezon.
Samantala, isa pang magnitude 3.1 na lindol ang naitala dakong alas- 12:06 ng madaling-araw ng Byernes, sa layong 6 na kilometro sa kanlurang bahagi pa rin ng bayan ng Calauag.
Wala namang naitalang intensity ang Phivolcs sa ikalawang pagyanig.
Wala ring naiulat na pinsalang idinulot sa mga struktura ang dalawang lindol.