Agad na nasawi ang driver na si Anwar Ampatuan, at mga sakay ng truck na sina Anliwa Fredo at Jorge Dimalanes.
Dalawa pang nasawi sa aksidente ang patuloy na kinikilala ng mga otoridad.
Samantala nadala naman sa pagamutan ang limang sugatan na sina Ragno Mobindo, Reynaldo Tungkar, Takno Crisanto, Jenie Matandes at Aldullah Abduman.
Sa imbestigasyon ng Aleosan Police, sinasabing nawalan ng preno ang truck sa pabulusok na bahagi ng Bgy. New Leon kaya’t bumangga ito sa railings ng tulay bago ito bumagsak sa bangin na may 10 talampakan ang lalim.
Ang ilan sa mga biktima na noo’y nasa ibabaw ng trak ang tumilapon na dahilan ng agarang kamatayan ng mga ito.