Ipinahayag ng NDFP na kinansela ng gobyerno ang usapang pangkapayapaan sa komunistang grupo kung kailan may mga panibagong pag-usad sa pagbuo ng mga kasunduan para sa reporma.
Ayon sa NDFP, bago pa man ang kanselasyon ng peace talks, may binalangkas nang mga dokumento ang dalawang panig kaugnay sa agrarian reform and rural development, at national industrialization and economic development.
Ipinahayag ng komunuistang grupo ang pagkadismaya sa kinahinatnan ng usapang pangkapayapaan na daan sana tungo sa mga repormang na pakikinabangan ng milyun-milyong Pilipino.
Noong Miyerkules, inanunsyo ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza ang termination ng peace talks ng gobyerno sa Comminist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front.
Ito ay sa gitna aniya ng karahasang isinasagawa ng mga komunistang rebelde sa iba’t ibang bahagi nmg bansa.