Naniniwala si Akbayan Rep. Tom Villarin na ginawang sakripisyo ng pamahalaang Duterte si Transportation Usec. Cesar Chavez.
Ito ayon sa mambabatas ay upang mapahupa ang galit ng sambayanan sa gitna ng palpak na operasyon ng MRT 3.
Sinabi ni Villarin na ang pagbibitiw ni Chavez ay matagal nang napagpasyahan ng administrasyon at saka lamang inilabas sa publiko.
Iginiit ng mambabatas na kasama sa pangako ng pangulo noong eleksyon ang paglutas sa problema sa MRT pero hanggang ngayon ay bigo pa rin ito na matupad kaya kinailangang isakripisyo ang isang matinong opisyal.
Saludo naman si Ifugao Rep. Teddy Baguilat kay Chavez dahil ang pag-alis nito sa posisyon ay nangangahulugan ng personal accountability na hindi katulad ng iba na ang ginagawa ay sisihin ang nakalipas na administrasyon.