Tugade nagpaliwanag na hindi niya pinag-resign si Chavez sa DOTr

Inquirer photo

Mariing itinanggi ni Transportation Sec. Arthur Tugade na sapilitan niyang pinagbitiw sa pwesto ang nag-resign na si DOTr Usec. Cesar Chavez.

Sinabi ng kalihim na maayos ang kanilang relasyon ni Chavez at hanggang kahapon ay magkasama sila sa mga pulong kaugnay sa pagsasa-ayos ng ilang mga problema sa Metro Rail Transit (MRT 3).

Narito ang kanyang text message na ipinadala sa mga miyembro ng media, “For the record, and contrary to the insinuations of others, I did not cause or ask Usec. Cesar Chavez to resign, he has my full trust and confidence. We have been doing plans and strategies together, up and until yesterday. Even by texts as I was on sickbay. That is why I am surprised by the very sudden turn of events.”

Sa kanyang irrevocable resignation na isinumite sa Office of the President ay sinabi ni Chavez na delicadeza ang nagtulak sa kanya na bumaba sa pwesto.

Bilang undersecretary for rails, isa sa mga tinututukan ni Chavez ay ang problema sa MRT.

Nagsumite ng kanyang resignation ang opisyal ilang araw makaraang kasuhan ng DOTr ng plunder ang mga dating opisyal ng Transportation Department dahil sa maanomalyang kontra ng Busan Universal Rail Inc.

Read more...