Tiniyak ng Manila Police District na walang banta ng terorismo sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay MPD Director Chief Supt. Joel Coronel, wala silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad ng lungsod.
Paliwanag ni Coronel, tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa National Intelligence Coordinating Council o NICA, Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines o ISAFP at Philippine National Police Intelligence Group upang malamang kung nakapasok na sa lungsod ang mga miyembro ng teroristang grupo.
Ayon kay Coronel, ligtas at walang dapat ipangamba ang mga residente ng Maynila dahil patuloy rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga Muslim communities sa Quiapo, Sta. Mesa at Baseco Compound sa Tondo.
Matatandaang napabalita na may 100 foreign Jihadist ang nakapasok sa bansa habang kasagsagan ang digmaan sa Marawi City upang tulungan ang kanilang kasamahan matapos ang pagsasanay nila sa Indonesia.