Dating Presidential Spokesperson Abella, itinalaga sa DFA ni Pangulong Duterte

Itinalaga ng ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa nilagdaang appointment paper ni Duterte, si Abella ay itinatalaga bilang undersecretary ng DFA.

Magugunitang inalis bilang presidential spokesperson si Abella noong nakaraang buwan at siya ay pinalitan ni Sec. Harry Roque.

Sa mensahe naman mula kay Abella, sinabi nitong siya ang mangangasiwa sa “StratCom” sa DFA.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...