Para tulungan si Congresswoman Leni Robredo na makapagpasya na kumandidato bilang running mate ni Mar Roxas sa 2016 elections, naglungsad ng kampanya sa social media gamit ang hastag na #jumpwithleni sa pangunguna ng tagapagsalita mismo ni Pangulong Benigno Aquino III.
Unang nag-post sa kaniyang facebook account si Presidential Spokesperson Edwin Lacierda ng jump shot na may caption na “I’ll jump with you Leni #jumpwithleni”.
Hinikayat din ni Lacierda ang kaniyang mga followers sa FB na magpakuha din ng jump shot at saka ipost sa social networking sites gamit ang nasabing hashtag.
“Please take a photo of your jump and to the hastag! Let’s all jump with her, post and hastag it,” ayon kay Lacierda.
Ilan naman sa mga FB followers ni Lacierda ang agad na tumugon sa kaniyang panawagan.
Narito ang mga jump shot na naipost na sa facebook gamit ang hastag na #jumpwithleni:
Maging ang mga Pinoy na nasa ibayong dagat ay hinikayat din ni Lacierda na makiisa sa kampanya.