La Niña, posibleng maranasan mula Disyembre-PAGASA

 

Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang posibleng pag-iral ng “La Niña” mula sa Disyembre.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ng weather bureau na batay sa pag-aaral ng mga international climate centers ay may 70 percent chance na iiral na ang ‘climate condition’ sa susunod na buwan at tatagal hanggang March 2018.

Ang “La Niña” ay isang ‘weather phenomenon’ kung saan mararanasan ang mas maraming pag-ulan, mas malamig na temperatura at mas malakas na hangin mula silangan.

Gayunpaman, ayon sa PAGASA, bagama’t maikli at mahina ang La Niña na mararanasan sa bansa, ay magiging ‘significant’ ang epekto nito.

Nagpaalala rin si PAGASA Weather Division chief Esperanza Cayanan na ang malalakas na bagyo ay nabubuo sa last quarter ng taon.

Ayon kay Cayanan, nararapat lamang na maghanda ang publiko ngayong Christmas Season sa posibleng epekto ng La Niña.

Para sa buwan ng Disyembre ay makararanas aniya ang bansa ng ‘near to above normal’ na rainfall condition o pag-uulan.

Read more...