Robredo, masaya sa pagkabig ng pangulo sa isyu ng “RevGov”

 

Ikinalugod ni Vice President Leni Robredo ang “definitive” na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya magdedeklara ng revolutionary government o ng martial law sa buong bansa.

Ayon kay Robredo, mahalaga ito upang mapawi ang mga pangamba ng mga tao na manunumbalik ang gulo at ang diktaduryang pamamahala sa bansa.

Umaasa rin ang pangalawang pangulo na ang deklarasyong ito ni Duterte ay magwawakas na sa mga nakababahalang pahayag niya sa media nitong nagdaang buwan.

Matatandaang noong Martes ay winakasan na ng pangulo ang mga ispekulasyon na magdedeklara siya ng revolutionary government.

Iginiit ng pangulo na wala namang mapapala ang bayan sa ganoong klase ng pamahalaan.

Nauna na ring tiniyak ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines kay Robredo na hindi nila susuportahan ang revolutionary government sakali mang humantong ang pangulo sa pagdedeklara nito.

Read more...