‘Spa’ owner 6 na male attendant, arestado dahil sa ‘extra service’

 

Arestado ang isang spa owner kasama ang anim na massage attendants nito na sangkot sa prostitusyon.

Kinilala ang nahuling spa owner na si John Martin Ibe, 30 anyos, at ang mga massage attendants na sina Lester dela Cruz, 22; Anolowil Vicera, 25; Alvin Cardinas, 28; Elmer Agquiz, 28; Jay Mark Estevel, 20; at Ralph Oliver Lim, 29.

Sa tulong ng isang concerned citizen at ilang linggong pagmamanman, sinabi ni Makati City Police Station 2 chief Gerardo Umayao na nagsagawa ng operasyon ang Makati Police Special Operations Unit sa Green Palace Spa sa Barangay Poblacion 11:13, Martes ng gabi.

Ayon sa opisyal, bahagi ng modus operandi ng spa ang pagpayag sa mga customer na makapag-book ng appointment gamit ang kanilang website.

Makikita sa naturang website ang mga larawan ng mga lalaki, alok na masahe pati na ang mga mahahalay na body-to-body massage at anila’y “special services” nito.

Narekober naman ng mga otoridad ang P2,000 marked money, P15,620 na kita ng naturang spa, anim na cellphone, isang laptop at ilang resibong na umano’y ginamit sa naturang negosyo.

Read more...