Pag-aresto sa mga miyembro ng CPP-NPA iniutos ni Duterte

RTVM

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaaaresto niya ang mga opisyal at miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).

Sa kanyang pagbisita sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, sinabi ng pangulo na kasama rin sa mga aarestuhin ang mga kasapi ng legal fronts ng komunistang grupo.

Magkakasabwat umano ang mga ito na layuning ibagsak ang kasalukuyang pamahalaan.

Ipinaliwanag rin ng pangulo na ipinag-utos na niya ang pagputol sa peace talks dahil hindi naman itinigil ng mga makakaliwang grupo ang kanilang mga pag-atake lalo na sa mga lalawigan.

Hindi rin umano natigil ang kanilang extorsion activities kaya wala nang dahilan para makipag-usap pa sa mga opisyal at miyembro ng CPP-NPA.

Sinabi rin ni Duterte na maglalabas siya ng proklamasyon na magdedeklara sa komunistang grupo bilang mga terorista.

Kasabay nito ay kanyang inalerto ang PNP at ang militar kaugnay sa mga inaasahang pag-atake ng komunistang grupo.

Read more...