Makalipas ang 37 taon sa puwesto, pangulo ng Zimbabwe nagbitiw

Nagbitiw na sa puwesto si Zimbabwe president Robert Mugabe makalipas ang 37 taon sa puwesto.

Ang pagbaba sa puwesto ni Mugabe ay sa gitna ng impeachment proceedings laban dito.

Sa kanyang liham na binasa sa parliament, sinabi ni Mugabe na boluntaryo ang kanyang pagbibitiw bilang upang pangalagaan ang kapakanan ng kanilang bansa.

Una nang sinisisi ng taumbayan at ng ibang partido si Mugabe dahil ito umano ang dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya ng Zimbabwe, bukod pa sa mga paglabag sa karapatang pantao.

Ang 93-anyos na lider ay una nang inilagay sa house custody ng militar noong nakaraang linggo bago ang pormal na pagsisimula ng impeachment proceedings laban sa kanya.

Napuno naman ng kasiyahan at selebrasyon ang parliament at mga lansangan sa Harare at ilan pang bahagi ng bansa matapos kumalat ang balitang mapayapang bumaba sa puwesto ang kanilang presidente.

Inaasahan namang papalitan si Mugabe ng kanyang sinibak na vice president in exile na si Emmerson Mnangagwa.

Read more...