Duterte itinangging nasa likod ng impeachment complaint laban kay Sereno

 

Muling itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kinalaman ito sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Giit ng pangulo, wala itong kinalaman sa naturang reklamo laban sa Punong Mahistrado.

Kahit magpa-imbestiga pa aniya si Sereno ay lalabas ang katotohanan na wala siyang kinalaman sa naturang hakbang na patalsikin ito sa puwesto.

Ngayong araw, nakatakdang umpisahan ng Kamara ang pagdinig sa impeachment complaint laban kay Sereno.

Gayunman, iginiit ng kampo ni Sereno na wala itong balak na dumalo sa pagdinig.

Read more...