Kinondena ng tanggapan ng United Nations-Human Rights ang mga pagbabanta ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa kanilang mga imbestigador.
Sa isang pulong balitaan, partikular na tinukoy ni UN Human Rights spokesperson Rupert Colville ang bantang pananampal ng pangulo kay UN Special Rapporteur Agnes Callamard sakaling imbestigahan siya nito sa umano’y extra judicial killings sa bansa.
Ani Colville, ginawa na rin ng pangulo ang naturang pagbabanta kay Callamard noong Hunyo matapos batikusin ni Callamard ang giyera kontra droga.
Naging tampulan anya ng pang-aabuso sa social media si Callamard kabilang ang mga pambabantang pisikal ng mga trolls sa internet ayon kay Colville.
Anya, kinokondena nila ang ganitong pagtrato at pambabatos kay Callamard bilang tanggapan na naglagay sa kanya sa pwesto.