Mga abogado ni Sereno hindi papayagang magsalita sa impeachment hearing sa Kamara

Radyo Inquirer

Hindi tinanggap ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali ang isinumiteng special power of attorney ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno para igiit na payagan ang kanyang mga abogado na maging kinatawan niya sa pagdinig ng komite bukas kaugnay sa kinakaharap niyang impeachment complaint.

Ayon kay Umali, hindi maaring dipensahan ng kanyang mga abogado si Sereno sa determination of probable case ng impeachment complaint na isinampa sa kanya ni Atty. Larry Gadon.

Sinabi ni Umali na walang bearing ang pagdalo bukas ng mga abogado ng Chief Justice.

Paliwanag ng kongresista, ang mahalaga ay ang presensya mismo ni Sereno para makontra nito ng personal ang mga ebidensyang ipiprisenta ni Gadon at ng mga witnesses laban sa kanya.

Gayunman, papayagan pa rin naman ang mga abogado ni Sereno na dumalo sa naturang pagdinig pero hindi papahintulutang ma

Read more...