Ito ang ginawang paglilinaw ng Malacañang matapos pumalag si Santiago sa alegasyon na winaldas niya ang pera ng taong bayan sa pamamagitan ng biyahe sa U.S at Austria kasama ang kanyang girlfriend, coffee server, pamilya, at mga kadikit na empleyado sa DDB.
Pumalag rin si Santiago sa ulat na umano’y binigyan siya ng napatay na druglord na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog ng bahay at pera.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, madali namang mapabulaanan ni Santiago ang mga alegasyon.
Nanindigan pa si Roque na sumailalim muna sa berepikasyon sa Office of the President ang liham o ang reklamo bago isinapubliko.
Ayon kay Roque, ang pagsibak ni Pangulong Duterte kay Santiago ay isang mensahe sa mga tauhan ng gobyerno na tiyaking mas pure o mas malinis pa sila kaysa sa asawa ng romanong pulitiko na si Julius Ceasar.