Butas sa Oplan Tokhang ng PNP idinetalye sa oral argument sa SC

Inquirer photo

Tinawag ng isa sa abogado mula sa mga petitioner na “war against the bill of rights” ang war on drugs ng Duterte administration.

Sa kanyang argumento sa Korte Suprema, iginiit ni Atty. Joel Butuyan ng Centerlaw na tumatayong abogado ng mga petitioner mula sa San Andres Bukid, Maynila na malinaw na nilalabag ng PNP Command Memorandum Circular 2016-16 ang Bill of Rights sa ilalim ng saligang batas.

Sa circular nakasaad ang detalye ng Oplan Double Barrel kung saan nakapaloob ang Project Tokhang at Project High Value Target.

Iginiit din ni Butuyan na kakaiba ang hirit nilang petition for writ of amparo para sa proteksyon sa pamilya ng biktima ng drug killings dahil mismong ang mga matataas na opisyal ng estado ang eenganyo at sumusuporta na gumawa ng impunity.

Ngayon din lang na mismong ang mga pulis ay aminado sa pagkamatay at pagkawala ng mga drug suspects.

Samantala isiniwalat ni Atty. Butuyan na sa mahigit na 35 na kaso ng pagpatay sa San Andres Bukid, aabot sa 23 dito ay napatay ng mga pulis at 21 ay sa loob pa ng bahay ng mga biktima.

 

Samantala, nanindigan naman si Atty. Jose Manuel Diokno ng Free Legal Assistance Group (FLAG) na labag sa Saligang Batas ang memorandum ng DILG at PNP dahil labag ito sa prinsipyo ng presumption of innocence.

Nakakabahala din aniya ito dahil ang Oplan Tokhang ay magresulta na sa milyong insidente na ng warrantles visitation sa mga pinaghihinalaang drug personality.

Read more...