Aabot sa dalawampu’t anim na mga sugatang sundalo ang personal na binisita ng pangulo sa Philippine Army General Hospital sa Taguig City.
Ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Order of Lapu-Lapu rank of Kampilan ang mga sugatang sundalo.
Ito ang parangal na ibinibigay sa mga kawani ng gobyerno na nasugatan habang tinutupad ang kanilang tungkulin para sa bayan.
Bukod sa Order of Lapu-Lapu rank of Kampilan, binigyan din ng pangulo ng cash assistance, gun certificate at cellphone ang mga sugatang kawal.
Aabot sa dalawampu’t isang mga sundalo ay nasugatan habang nakikipag-bakbakan sa teroristang Maute group sa Marawi City.
Anim naman sa mga sundalo ang nasugatan habang nakikipaglaban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at sa iba pang elemento na kalaban ng estado.
Sinabi ni Pangulong Ropdrigo Duterte na isa sa mga prayoridad ng kanyang pamahalaan ang pagbibigay ng tulong sa mga anak ng mga sugatan o kaya ay napapatay na mga tauhan ng militar.
Kabilang dito ang libreng edukasyon at livelihood program para sa pamilya ng mga sundalo.