Nilinaw ni Agriculture Secretary Manny Pinol na walang shortage o pagkukulang ng isda na ginagawang sardinas.
Ayon kay Pinol, sagana sa supply ng tamban sa palibot ng Zamboanga Peninsula.
Aniya, responsibilidad ng kagawaran na tiyakin na matatag ang supply ng mga isda pero hindi na nila sakop kung ang mga isda ay dumadaan na sa pabrika o canned goods .
Samantala, kanya namang ibinalita na bumaba ang agriculture performance ng bansa sa ikatlong quarter ng taon.
Kumpara sa nakalipas na siyam na buwan, naapektuhan ang fisheries performance ng bansa dahil na rin sa panahon ng habagat.
Sa panahon kasi na ito ay hindi rin nakakapaglayag ang mga mangingisda dahilan para kumonti ang huli ng mga ito na binebenta sa merkado.
Paliwanag ni Piñol naapektuhan din ang bansa dahil sa pagtama ng bird flu sa Pampanga at Nueva Ecija kung saan nalimitahan ang bentahan ng poultry products.
Gayunman, maikukunsidera pa rin umano na maganda ang livestock pefrormance ng bansa.
Nakatakda namang magsasagawa ng review ang D.A sa paghawak ng Avian Influenza case sa hinaharap.