Pagpasok ng Chinese telco sa bansa binatikos ng Bayan Muna

Pag-imbita ng pangulo sa China para maging 3rd telecom carrier tinutulan ng isang militanteng mambabatas

Hindi sang-ayon si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa ginawang imbitasyon ni Pangulong Duterte sa China na magpasok ng telecom carrier sa bansa.

Ayon kay Zarate, ang ginawang paanyaya ng pangulo sa China ay nagpapakita lamang na mayroon itong pinapaboran.

Iginiit ng mambabatas na sa dami ng maaring mapiling internet provider bakit ang China pa ang napili ng pangulo.

Sinabi ni Zarate na hindi kailangan ang pagkuha ng serbisyo ng ibang bansa at mas makakabuti kung ang gobyerno na lamang ang magtatag ng third entity o ikatlong telecom carrier para matiyak na maibibigay ang kinakailangang serbisyo ng publiko pagdating sa internet service.

Sa duopoly system ng telcos sa bansa na hindi naman maganda ang serbisyo ay makakatulong ito para mapataas din ang kita ng pamahalaan na maaaring mailaan pa sa ibang mga proyekto at programa.

Read more...