No. 1 most wanted person sa Taguig, arestado

Bagsak sa kulungan ang itinuturing na number 1 most wanted person sa Taguig City makaraang maaresto ng mga pulis dahil sa samu’t saring kaso.

Sa bisa ng arrest warrant, dinampot ng tauhan ng Taguig Police si Laxer Osmeña, 26 anyos sa 240 ML Quezon St., Brgy Hagonoy, Taguig City.

Pinangunahan nina Police Chief Inspector Jerry Amindalan at SPO1 Salvador Bassig ang naturang operasyon na naganap alas-4:45 ng hapon.

Nahaharap si Osmeña sa kasong homicide, paglabag sa RA 10591, Section 1 ng Omnibus Election Code at attempted murder.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...