Arestado ang isang lalaki matapos gahasain ang 12 taong gulang nitong anak sa Brgy. 649 Zone 68, Tondo, Manila.
Ang suspek na 38 anyos ay dinakip ng mga tanod ng barangay na pinagsumbungan ng kapatid ng biktima.
Kwento ng isa sa mga umarestong Brgy. Tanod na si Gilbert Dela Cruz, nakatanggap sila ng sumbong mula sa kuya ng biktima Lunes ng umaga.
Nasaksihan pa umano ng kuya ng biktima ang ginawa ng kanilang ama sa kaniyang kapatid noong Sabado ng gabi.
Narito ang ulat ni Mark Makalalad:
MOST READ
LATEST STORIES